Eto na naman ako, muling nagbabalik sa mundo ng Tumblr. Kakatapos pa lang ng first sentence, wala na akong masabi. Hindi na ako marunong mag-sulat. Hindi ko na alam paano i-express ang feelings ko sa isang blog post. Hindi ko na kayang mag isang click at mag-tuloy tuloy na type. Hindi na ako si banatera101/202 na handang gumawa ng kagaguhan sa harap ng webcam at mabilis umisip ng banat. Hindi na rin ako si Mama Jack na magaling mag-bigay ng solusyon sa problema sa pag-ibig. Hindi na rin ako si Stephy na nagbibigay ng opinyon sa isang bagay sa isang mahabang text post. Kilala ko pa ba sarili ko?

((wow, nakagawa ako ng paragraph))

Kumabaga sa mundo ng Pokemon, nag-evolve ako. Hindi ko alam kung nag-evolve ako sa isang mabuting o masamang tao. Pero sa palagay ko, ang pangalawang option ang sasagot sa sarili kong tanong. Habang sinusulat ko ‘to, hindi ko maiwasang mag-reflect kung ano ang pagkatao ko dati. Nasaan na si banaterang mahilig magpasaya ng mga readers niya? Nasaan na si Mama Jack na alam ang tama sa mali? Nasaan na si Stephy na walang pinoproblema? Nasaan na ako?

Sa totoo lang, hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ko. Sa mga oras na ‘to, okay lang ako. Pero sa mga panahong tumigil ako sa pag-bblog, maraming bagay ang hindi naging okay.

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ako naging ganito? Bakit na kaya kong mang-gago? Bakit ko sobrang nasaktan ang taong pinakamamahal ko? Bakit hindi ko kayang babaan ang pride ko? Bakit ko hinayaang mas tumimbang ang sakit kesa sa saya? Bakit ko hinayaan siyang mawala sa buhay ko?

Okay, hindi nga pala siya ang main subject sa post na ‘to.

Pero anyway, last na ‘to. Bilang Mama Jack, bakit hindi ko ma-apply sa sarili ko ang mga pinagsasabi ko sa mga taong nang-hihingi ng advice sa akin? Marunong akong tumingin sa tama at mali pero nung nasa sitwasyon na ako, na-bobo lang ako. Umiral ang napakataas kong pride kaya palaging mali na lang ang nagagawa ko.

Bakit kaya mas matangkad pa sa akin ang pride ko?

Wow, na-miss ko ‘tong feeling na ‘to. Yung kausap mo lang ang sarili mo at nag-rereflect ka lang sa buhay mo habang nagsusulat ka. Nakakagaan sa pakiramdam. Yun lang, good luck sa blog na ‘to. :)